aga-at-lea-copy-copy

PAREHONG hinihintay nina Lea Salonga at Sharon Cuneta ang availability ni Aga Muhlach para gumawa ng pelikula sa Star Cinema.

Ayon sa aming source, matagal nang may plano ang movie outfit ng ABS-CBN na gawan ng magkahiwalay na pelikula sina Lea at Shawie na si Aga ang leading man. Gayunpaman, patuloy na hinahanapan ng magandang script na maiiba naman ang kuwento sa mga nagawa na nilang pelikula noon.

Pelikula muna nina Aga at Lea ang mauuna dahil long overdue na raw, at saka isusunod ‘yung Aga-Sharon movie.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

“Waiting ang both camps nina Aga at Lea sa Star Cinema na mag-pitch, eh, wala pa till now. Maybe because Aga is busy with Pinoy Boyband Superstar? Kaya naman niyang pagsabayin mag-shoot at mag-taping ng two times a week, di ba?”

tanong ng aming source.

Parang ang intindi namin ay one at a time lang si Aga dahil ayaw na niyang mangarag at magpuyat tulad nang dati. Sabi nga niya, “hindi na tayo bumabata, kailangan nasa tama lahat.”

Oo nga naman, Bossing DMB, bakit kailangan mong stress-in o pagurin ang sarili mo kung puwede namang hindi?

And for sure, hindi na rin siguro rin sanay sina Lea at Sharon na magpuyat ng todo o ‘yung tinatawag na pamorningan sa set kahit maaga na ang cut-off ngayon base sa itinakdang oras ng DOLE. (Reggee Bonoan)