Humingi ng paumanhin si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagkakasama ng ilang personalidad sa drug matrix, kasabay ng paglilinis sa pangalan ng ibang nakaladkad sa listahan.

Ayon sa Pangulo, hindi umano dapat kasama sa matrix sina Pangasinan Rep. Amado Espino, dating Pangasinan provincial administrator Rafael Baraan at Urbiztondo board member Raul Sison.

“I think somehow we were negligent in counter-checking during the first report. So to Espino and to Sison, at kay Baraan, ‘yung kapatid, huwag ‘yung undersecretary dahil sabit talaga ‘yun, I would like to apologize to you publicly, and I would say now, I’m very sorry,” ani Duterte sa kanyang speech sa kinubkob na shabu laboratory sa Arayat, Pampanga. Sinabi ng Pangulo na hindi siya perpekto.

Sina Espino at Baraan ay may kaso sa Sandiganbayan dahil sa black sand mining. (Elena Aben)
Probinsya

Mastermind sa pagpatay sa mag-asawang online seller, kumpare raw ng mga biktima