ISA na namang kontrobersiyal na isyu ang kinakaharap ngayon ni Piolo Pasual kaugnay ng kanyang recent Facebook Live video with Luis Manzano na nakunan sa dressing room ng ASAP.

Mabilis na kumakalat ang naturang video sa social media na may misleading caption na “gay scandal” pero in reality, walang malisyang ipinapailalim ni Piolo sa pantalon ang kanyang polo bilang paghahanda sa kanyang production number habang ini-stream naman ito ni Luis nang live sa profile nito.

“That’s the first time I experienced that,” simulang paliwanag ni Papa P. “Hindi ko alam na ganu’n pala ang Facebook Live so I learned my lesson. I guess I was too uncensored when I did it sa dressing room namin. Hindi ko alam na inu-upload pala ‘yun. So hayun, okay lang, charge it to experience. But ‘pag mga ganu’n kasi you upload it and hindi mo na maalis sa YouTube ‘yun. What people see there, you know that’s the real thing. ‘Yun ang uso, eh. Just for the sake of your viewers, di ba?”

Aminado ang aktor na wala siyang sariling Facebook account, at hindi raw niya naisip ang magiging reaksiyon ng mga tao sa naturang video.

Bea Binene, pinadadalhan ng mensahe matapos ang hiwalayang Bea-Dominic

“Wala akong Facebook, eh. Do’n ko nga lang nalaman ‘yung Faceook Live, eh. I have no idea kung ano ‘yung mga comments. It was on Luis’s account, so kung meron mang mga nagsalita du’n ng kung anu-ano, mas maganda na ‘yung hindi ko alam di ba?” katwiran ng aktor.