PINAKAMARAMI ang nominasyon kina Beyonce at Justin Bieber sa tiglimang natanggap nila ngayong taon MTV Europe Music Awards.

Nominado si Beyonce sa Best Video para sa kanyang awiting Formation, Best Female Artist, Best Live Artist, Biggest Fans, at Best Local Act (United States).

Si Bieber naman, na may limang panalo noong nakaraang taon sa Milan, ay nominado sa Best Song para sa awiting Sorry, Best Male, Best Pop, Biggest Fans, at Best Local Act (Canada).

May apat namang nominasyon ang British singer na si Adele, kabilang ang Best Song para sa kanyang world hit na Hello, Best Female, at Best Live, at apat din ang nominasyon sa Coldplay kabilang ang Best Video para sa kanilang single na Up&UP, Best Live, at Best Rock.

Musika at Kanta

Regine, 'di na kering makipagsabayan sa mga batang singer: 'It's no longer my time'

Nakakuha rin ng apat na nominasyon ang Danish Band na Lukas Graham at Canadian singer na si Shawn Mendes.

Gaganapin ang MTV Europe Music Awards sa Rotterdam sa Nobyembre 6. (Reuters)