Kukunin na ni Philippine National Police (PNP) Chief, Director General Ronald dela Rosa kay Pangulong Rodrigo Duterte ang narco list na naglalaman ng pangalan ng mga taga-showbiz, upang maumpisahan na umano ang Oplan Tokhang sa kanilang hanay.

“I will meet with the President and I will get a copy of his list so that we can start the Tokhang,” ani Dela Rosa.

Sa ilalim ng Oplan Tokhang, binibisita ng pulisya ang bahay ng bawat drug personalities, kung saan hinihimok silang sumuko at magbagong buhay.

“We will visit their houses, we will ask them to surrender. They are public figures, they should be open to the public. They should not fool the people,” dagdag pa ni Dela Rosa.

Sementeryo sa Albay, pinagbubutas; masangsang na amoy, umaalingasaw

Sa panig naman ni Anti-Illegal Drugs Group head Senior Supt. Albert Ferro, sa kanilang listahan ay mayroon umanong limang celebrities na nagbebenta ng party drugs.

“We know who they are and as soon as we obtain strong pieces of evidence, we will arrest them,” ani Ferro.

Nagbabala si Ferro at sinabing ngayon pa lang ay dapat nang tumigil sa pagtutulak ang mga ito dahil under surveillance na sila. (Aaron Recuenco)