Mga Laro Ngayon

(San Juan Arena)

2 n.h. -- Arellano vs CSB (jrs.)

4 n.h. -- Arellano vs San Beda (srs.)

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Sinu-sino ang maghaharap sa Final Four?

Malalaman ang kasagutan sa resulta ng duwelo ng Arellano at San Beda sa natatanging laro ngayon para sa final placing sa playoff ng NCAA Season 92 seniors basketball tournament sa San Juan Arena.

Nakataya ang No.1 seeding sa laro ng Chiefs at Red Lions ganap na 4:00 ng hapon matapos ang duwelo sa junior division sa pagitan ng Arellano at CSB-LaSalle Greenhills sa 2:00 ng hapon.

Tabla ang Arellano at San Beda sa top seed tangan ang parehong 14-4 karta.

Anuman ang maging resulta, kapwa pa rin hawak ng dalawang koponan ang ‘twice-to-beat’ na bentahe.

Ang mananalo at magiging No.1 team at makakaharap ang 4th seed University of Perpetual Help habang ang matatalo ay sasagupain naman ng No.3 Mapua Cardinals.

Magtutuos sa unang laro ang Braves at ang CSB- La Salle Greenhills para alamin kung sino ang papasok na No.3 at No.4 sa Final Four makaraan nilang magtabla sa ikatlong posisyon hawak ang barahang 13-5.

Ang mananalo sa laro ang uusad na 3rd seed team at makakasagupa ng second seed Mapua habang ang matatalo ang papasok na No.4 at makakaharap ng top seed at defending champion San Beda.

Kapwa may bentaheng ‘twice-to-beat’ ang Red Cubs at Red Robins. (Marivic Awitan)