liev-at-naomi-copy

NAGHIWALAY na sina Naomi Watts at Liev Schreiber pagkatapos ng kanilang 11 taong pagsasama, ayon sa pahayag ng mag-asawa noong Lunes.

Sinabi nina Watts, 47, at Schreiber, 48, na “the best way forward for us as a family is to separate as a couple.”

“It is with great love, respect and friendship in our hearts that we look forward to raising our children together and exploring this new phase of our relationship,” saad nila, at humingi ng privacy para sa kanilang dalawang bata na anak na lalaki.

Human-Interest

Netizen, ayaw na magbigay ng regalo sa pamilya niyang hindi marunong mag-appreciate

Ang kanilang hiwalayan ay kasunod ng biglaan ding pagpapahayag ng divorce ng Hollywood power couple na sina Brad Pitt at Angelina Jolie.

Ang Australian actress na si Watts, na naging nominado para sa dalawang Oscar, at Schreiber, ang bida sa Ray Donovan ay nagsimulang magsama noong 2005 nang hindi pa ikinakasal. Naging kasintahan noon ni Watts ang Australian actor na si Heath Ledger.

Parehong bida sina Watts at Schreiber sa nalalapit na boxing drama na The Bleeder. Magbibida rin si Schreiber sa Broadway na Les Liaisons Dangereuses, na magbubukas sa susunod na buwan. (Reuters)