zanjoe-angel-sam-copy

PRESSCON bukas ng The Third Party, ang bagong pelikula ni Angel Locsin kasama sina Sam Milby at Zanjoe Marudo.

Showing sa October 12 ang pelikula ni Direk Jason Laxamana, his first under Star Cinema.

Sabik na sabik na ang fans ni Angel na mapanood ang bago niyang pelikula. Katunayan, ang views trailer nito, umabot agad sa 2 million in less than 24 hours simula nang i-upload sa Facebook. Ang sunod na aasikasuhin ng Star Cinema ay ang maraming request na maipalabas sa ibang bansa ang The Third Party.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Samantala, kabilang si Angel sa Pinoy fans na lubos na naapektuhan sa paghihiwalay nina Brad Pitt at Angelina Jolie.

Pinost nito ang picture ng ex-couple sa Instagram (IG) at nilagyan ng caption na, “Kasi naman eh... #brangelina #ooaffectedakoehanongayon.”

Nilagyan pa ni Angel ang kanyang post ng emoji ng heart na nahati. May mga nagbiro na parang sila ni Luis Manzano ang nangyari kina Brad at Angelina. Ang kaibahan lang, hindi pa kasal sina Luis at Angel. (NITZ MIRALLES)