CARTAGENA (AFP) – Nakatakdang lagdaan ni Colombian President Juan Manuel Santos at ng mga lider ng rebeldeng FARC sa pangunghuna ni Timoleon ‘’Timochenko’’ Jimenez, ang makasaysayang peace deal sa Lunes (Martes sa Pilipinas) para wakasan ang limang dekadang digmaan.

Lalagdaan ng mga dating magkalaban ang kasunduan dakong 5:00 ng hapon (2200 GMT) sa isang seremonya sa lungsod ng Cartagena sa Caribbean coast, sinabi ng gobyerno.

Kabilang sa mga bisita sina UN Secretary-General Ban Ki-moon, US Secretary of State John Kerry at mga lider ng Latin America -- partikular na si Cuban President Raul Castro, na ang bansa ay naging punong abala ng apat na taong peace talks.
Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline