(Bloomberg) – Suportado ng aviation industry ang panukala ng United Nations na limitahan ang polusyon mula sa international flights kahit na nangangahulugan ito na gagastos ang mga kumpanya ng $24 billion bawat taon.

Isinusulong ng trade groups na kumakatawan sa United Continental Holdings Inc., Boeing Co. at iba pang lider sa industriya na makiisa ang mga nasyon sa kasunduan, na mag-oobliga sa mga kumpanya na i-offset ang kanilang emissions growth sa pamamagitan ng pagpondo sa environmental initiatives. Ang kasunduan, ikakampanya sa Montreal sa 11 araw na mga pag-uusap na magsisimula sa Martes, ay magiging unang global climate pact na tumatarget sa iisang industriya.

“The industry is willing to pay its share. We just want to pay our share in the most economic way possible,” sabi ni Michael Gill, executive director ng Air Transport Action Group, na kumakatawan sa airlines, engine makers, airports at pilots.

Internasyonal

DFA, nanawagang itigil ang karahasan sa Syria