Ipagtatanggol ng Ateneo Blue Eagles at De La Salle Lady Spikers ang kani-kanilang titulo sa pagsikad ng UAAP Season 79 Beach Volleyball Tournament sa Sands By the Bay simula Oktubre 1.

Ang defending men’s champion Ateneo Blue Eagles ay binubuo noon nina 6-foot-3 Marck Jesus Espejo, 6-foot Ysrael Wilson Marasigan at Karl Irvin Baysa na mula sa Palau High School sa Koror Palau.

Ang women’s beach volleyball champion na La Salle ay kinabibilangan noon nina Kim Fajardo, Cydthealee Demecillo at Ernestine Tiamzon na rookie pa lamang mula sa Moscrop Secondary School sa Burnaby British Columbia Canada.

Matatandaang tinalo ng pares nina Fajardo at Demecillo ang tambalan nina Far Eastern University’s (FEU) Bernadeth Pons at Kyla Atienza upang iuwi ang UAAP Season 78 women’s beach volleyball championship.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Ang korona ay kauna-unahang women’s championship para sa Lady Spikers, na kinailangan ang tatlong set para biguin ang Lady Tamaraws sa unang laban sa finals, 21-17, 16-21, at 15-12 bago iniuwi ang two-set na panalo sa Game 2, 21-16 t 25-23 para kumpletuhin ang taon.

Iniuwi ni Fajardo ang season MVP honors habang napunta kay Jasmine Nabor ng National University ang Rookie of the Year.

Iniuwi din ng Ateneo ang pinakauna nitong korona sa men’s division matapos magtulong sina MVP Ysay Marasigan at Marck Espejo upang biguin ang tambalan ng University of Santo Tomas nina Kris Roy Guzman at Anthony Arbasto.

Nagawang itulak ng Growling Tigers ang thrice-to-beat na Blue Eagles sa matira-matibay na huling laro.

Napunta naman ang Rookie of the Year kay Jude Garcia ng FEU. (Angie Oredo)