Napatay sa follow-up operation ng Quezon City Police District (QCPD) Anti–Illegal Drugs ang No. 3 drug personality na kasabwat ng naunang naarestong drug courier na dati umanong cameraman ng TV5 sa Barangay Masambong, Quezon City, madaling araw kahapon.

Kinilala ni QCPD Director Police Sr. Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar ang suspek sa alyas na “Dan-Dan”, ng Bgy. Masambong Quezon City.

Sa report ni Police Supt. Igmidio Bernaldez, hepe ng QCPD PS2, dakong 1:30 ng madaling araw namataan ng mga elemento ng Station Anti–Illegal Drugs-Special Operation Task Group (SAID-SOTG) ang kinalululanang motorsiklo ni Dan-Dan sa Roosevelt, Avenue sa nasabing lungsod.

Agad umanong pinara ng mga operatiba ang motorsiklo ni Dan-Dan subalit sa halip na tumalima ito ay pinaharurot pa ang sasakyan.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Hinabol ng mga awtoridad si Dan-Dan at dito na pinagbabaril ng huli ang mga pulis hanggang sa magkapalitan ng putok ng baril na naging sanhi ng pagkamatay ng suspek. (Jun Fabon)