la-salle-copy

Nanaig ang De La Salle at Far Eastern University sa magkahiwalay na laro para palakasin ang kani-kanilang kampanya sa UAAP Season 79 seniors basketball tournament nitong Linggo sa Smart-Araneta Coliseum.

Naisalba ng Green Archers ang matikas na pakikihamok ng National University Bulldogs sa final stretch para maitakas ang 75-66 panalo, habang sinuwag ng Tamaraws ang UE Warriors, 67-59.

Naghabol ang Green Archers sa siyam na puntos sa kalagitnaan ng third period at sa pamamagitan ng ‘trapping defence’ nagawang malimitahan ang Bulldogs tungo sa ikaapat na sunod na panalo.

Mga Pagdiriwang

Ang mayamang tradisyong tatak ng 'Paskong Pinoy'

Nanguna si Jeron Teng sa La Salle sa naiskor na 23 puntos, kabilang ang walong puntos sa krusyal na final period.

Nag-ambag si Ben Mbala ng 16 puntos at 15 rebound.

“We were physically and mentally ready for the grind of the game,” sambit ni La Salle coach Aldin Ayo.

“Ganun palagi eh, ubusan. Survival of the fittest.”

Nanaig naman ang Tamaraws, sa pangunguna nina Monbert Arong na may 16 puntos at Axel Inigo na kumana ng 12 puntos.

Nanguna si Mark Olayon sa UE sa natipang 12 puntos at anim na rebound.

Iskor:

(Unang Laro)

DLSU (75)—Teng 23, Mbala 16, Tratter 6, R. Rivero 6, Montalbo 5, Torres 4, Melecio 4, Caracut 3, Go 3, Baltazar 3, P. Rivero 2, Sargent 0.

NU (66)—Salem 15, Alejandro 14, R. Diputado 10, Morido 7, Sinclair 6, Abatayo 4, Aquino 3, Aroga 2, Salim 2, C. Diputado 2, Mosqueda 1, Rangel 0, Yu 0, Gallego 0.

Quarterscores:

17-16, 37-37, 52-54, 75-66.

(Ikalawang Laro)

FEU (67) — Arong 16, Inigo 12, Jose 11, Bayquin 6, Dennison 5, Trinidad 4, Holmqvist 4, Ebona 4, Tuffin 3, Orizu 2, Bienes 0.

UE (59) — Olayon 12, Derige 9, Bartolome 6, Palma 6, Charcos 5, Pasaol 5, Varilla 4, Manalang 3, Abanto 3, Batiller 3, De Leon 2, Acuno 1, Armenion 0, Larupay 0, Gagate 0.

Quarterscores:

19-15, 42-32, 55-46, 67-59.