elorde-copy

Muling masusubok ang galing -- na namana pa sa namayapang lolo at boxing great Gabriel “Flash” Elorde – nina Juan Martin ‘Bai’ Elorde at Juan Miguel ‘The Boss’ Elorde sa Setyembre 24 sa ‘Boxing Kontra Droga’ ng Rotary Club of Manila sa Setyembre 24 sa Café Lupe sa Antipolo City.

Haharapin ni Bai, kasalukuyang WBO Oriental lightweight champion, sa non-title 10-round bout, si Boido Simanjutak ng Indonesia.

Tangan ni Bai ang matikas na 20-1-1 karta, tampok ang walong knockout, habang may markang 23-4-2 ang Indonesian opponent.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Sa record ng boxrec.com, natalo si Boido ng 17 sa huling 18 laban, kabilang ang huling dalawa na natapos sa TKO.

Haharapin naman ni WBO Asia Pacific junior featherweight champion na si Juan Miguel (14-9, 7 knockout) si Bais sa tulad na non-title fight.