Tatlumpung pamilya ang nawalan ng tirahan makaraang lamunin ng apoy ang 15 bahay sa Sampaloc, Maynila, nitong Linggo ng gabi.

Sa ulat ng Manila Fire Department, dakong 7:00 ng gabi sumiklab ang apoy sa ikatlong palapag ng isang tahanan na isang cell phone charger ang magdamag na nakasaksak sa Kundiman Street, kanto ng Honradez St., Sampaloc, Maynila.

Umabot sa ikalimang alarma ang sunog bago tuluyang naapula pasado 11:00 ng gabi.

Tinatayang aabot sa P3 milyong halaga ng ari-arian ang naabo.

National

Catanduanes, niyanig ng 4.8-magnitude na lindol

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente. (Mary Ann Santiago)