Ni NORA CALDERON

alden-maine-lago-de-como-ebNANGUNGULIT na ang AlDub Nation kay Direk Mike Tuviera na i-release na ang DVD format ng Imagine You & Me (IYAM) na ipinangako niyang ilalabas once na nai-showing na ito sa iba’t ibang bansa.

Inakala rin namin na natapos na ang international screening ng blockbuster movie nina Alden Richards at Maine Mendoza, pero mayroon pa rin palang mga naka-schedule na showing nito.

Tanong namin sa AlDub Nation, sa pamamagitan ng social media, paano kung i-pirate agad ang DVD once ilabas na ito ng APT Entertainment, Inc.?

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Wala raw silang pakialam kung ma-pirate agad ito, hindi nila bibilhin, dahil ang gusto nilang bilhin ay ang original DVD na hindi nila pagsasawaang panoorin nang paulit-ulit. Magiging collector’s item daw nila ito.

Ang Team Abroad, lalo na iyong hindi inabot ng block screening at regular showing, ang DVD copy na lang ang hinihintay para mapanood ang movie ng phenomenal love team. Ang iba naman, hindi lamang daw isang kopya ang bibilhin, gagawin pa nilang Christmas gift sa mga kaanak nilang fans din ng AlDub. Ito raw ang maagang pamasko nila, kapag ini-release na.

Karamihan sa kanila, miss na miss na sina Alden at Maine lalo na ngayong walang kalyeserye sa Eat Bulaga kaya hiwalay pa ang dalawa; si Alden nasa Broadway studio, kung minsan wala pa dahil nagti-taping ng special guest appearance niya sa Encantadia at si Maine nasa barangay naman sa sugod-bahay.

Nakausap namin si Direk Mike at nalamang inaayos na niya ang pagri-release ng DVD. Mayroon lamang daw siyang idadagdag na behind the scene footages na magsisilbing bonus para sa mga bibili nito.

Katunayan, last September 11, muling inasikaso ni Direk Mike ang pagda-dub nina Alden at Maine sa mga behind the scene footages para sa IYAM DVD sa Wild Sound Studio.

After that, nag-dinner sila at napag-usapan na kaya ang susunod na projects nina Alden at Maine?

Kaya AlDub Nation, wait na lamang kayo sa release ng DVD ng Imagine You & Me, very soon!