GARDEN CITY, Kansas (AP) — Umiskor si Pinay golfer Dottie Ardina ng 72 sa final round para makisosyo sa ika-13 puwesto sa Garden City Charity Classic na pinagwagihan ni LPGA Tour player Christine Song.

Pumalo ang 25-anyos na si Song ng 3-under 69 sa Buffalo Dunes para sa dalawang stroke na panalo kontra Wichanee Meechai ng Thailand para sa ikalimang career win sa Symetra Tour.

“I feel really blessed and I feel that I had some golf still in me,” pahayag ni Song. “This means a lot because I have been through injuries and a slump. I’m really just glad it is over.”

Kumana si Meechai ng 68, habang pangatlo si Jessica Wallace ng Canada sa 10-under matapos umiskor ng 70.

Napagwagihan ni Song ang US$15,000 at tumalon sa ika-37 puwesto mula sa 103rd sa money list tangan ang kabuuang US$20,524 sa loob ng apat na event. Ang top 10 matapos ang tatlong nalalabing event ay pagkakalooban ng LPGA Tour card.

'Keep it up!' Manny Pacquiao, proud na proud kay Alex Eala

Kumasa naman si Mia Piccio ng final-round 72 para makasama sa ika-27 puwesto tangan ang kabuuang 217, habang isa pang Pinay na si Clariss Guce ang kumana ng 74 para sa 221 at ika-47 puwesto.