TAMPOK sa Sunday Night Box Office (SNBO) si Gerphil Flores sa kanyang concert na pinamagatang Tales of Love.

Isang oras na kantahan ang handog ni Gerphil, at ibabahagi niya ang kanyang interpretasyon sa classical love songs na gaya ng Somehwere in Time, Love Story, If, at maging ang ilan sa mga pinasikat na awitin ni Jose Mari Chan.

Huwag ding palampasin ang nakamamanghang bersiyon niya ng pop hits na Someone Like You ni Adele, I Will Always Love You ni Whitney Houston, at ang mga pinakapaboritong kanta ng Aegis.

Mapapanood ang Tales of Love, The Gerphil Flores Concert ngayong gabi, sa SNBO, pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho sa GMA.
Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter