untitled-1-copy-copy

HINDI kami nakadalo sa pa-block screening ng TeamDJPTFC fans club ng Barcelona: A Love Untold noong Biyernes ng gabi sa Dolphy Theater dahil kasabay ng Born For You Live! The Concert Finale na ginanap naman sa Kia Theater, Araneta Center, Cubao, Quezon City.

Base sa kuwento sa amin ng mga nakapanood na sa pelikula, kasama na si Bossing DMB, ay puring-puri si Joshua Garcia dahil kahit baguhan pa lang ay may lalim at mahusay umarte.

Pero gusto rin naming ma-enjoy kaya sinabi namin na huwag ikuwento kung ano ang role ni Joshua lalo’t plano naming panoorin ang Barcelona sa block screening na sponsored naman ng KathNiel KaDreamers World sa Gateway Cinema (kagabi).

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Kuwento ng iba pang nakapanood na, kapag nahasa nang husto si Joshua sa pag-arte at naidirek ng iba pang magagaling na direktor ng ABS-CBN at Star Cinema, posibleng sumunod siya sa yapak ni John Lloyd Cruz. Hmmm…hindi kaya dahil medyo magkahawig sila?

Mukhang maniniwala na kami na magaling nga itong si Joshua dahil mismong si Sylvia Sanchez na gumaganap na Lola Gloria ng batang aktor sa The Greatest Love ay puring-puri rin ang ‘apo’ sa serye.

Masaya kami para sa binatilyo dahil mapapadali niyang maabot ang mga pangarap niya na sana ay makilala at sumikat din siya katulad ng mga idolo niyang sina Lloydie at Coco Martin.

Maituturing na sinasalubong ng malaking suwerte ang talent ni Joshua, Bossing DMB. Isipin mo, kabagu-bagong artista, pero personal siyang pinili ni Direk Olive Lamasan para makatrabaho sa Barcelona! Ang dami-dami kayang may gustong maidirek ng premyadong direktor.

Anyway, posible kayang manalo si Joshua ng New Movie Actor of the Year sa nalalapit na awards night? (REGGEE BONOAN)