Makaraan ang tatlong buwan, nagbuga na naman ng abo ang Bulusan Volcano sa Sorsogon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa inilabas na impormasyon ng Phivolcs, aabot sa isa’t kalahating kilometro ang taas ng ibinugang abo ng bulkan na naipadpad sa hilagang silangang bahagi nito.

Ang pagpapakawala ng abo ng bulkan ay naitala dakong 4:54 ng hapon nitong Biyernes.

Ipinaliwanag ng ahensya na kaya nagkakaroon ng ash eruption ay dahil na rin sa patuloy na nararanasang hydrothermal process sa ilalim ng bulkan.

National

Bam Aquino, hangad hustisya para sa mga biktima ng EJK: ‘Dinadamayan natin sila’

Ipinaiiral pa rin ang Alert Level 1 status sa bulkan, kung saan mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok ng mga turista sa 4-kilometer radius permanent danger zone dahil sa dalang panganib ng bulkan.

Pinagbawalan ng ahensya ang mga eroplano na dumaan, malapit sa Mt. Bulusan dahil sa posibleng phreatic eruption nito.

(Rommel P. Tabbad)