[caption id="attachment_194985" align="aligncenter" width="200"]????????????????????????????????????

INAMIN ni Vina Morales sa set visit ng Born For You kamakailan na sandamakmak na kaso ang inihain laban sa kanya ng ex-boyfriend niyang si Cedric Lee sa Nueva Ecija, Parañaque, at Caloocan kasama ang kapatid nitong si Bernice Lee.

Ayon sa singer/actress, naniniwala siyang papanig ang hustisya sa kanya at lalaban siya hanggang sa huli.

Nitong nakaraang Huwebes ng hapon, si Vina naman ang nagsampa ng reklamo laban sa magkapatid na Cedric at Bernice sa Mandaluyong ng kidnapping, illegal detention at Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 kasama ang legal counsel niyang si Atty. Lucille Sering.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“Ayoko sanang ikuwento ito kasi gusto ko tahimik lang, pero lalabas din naman ito at malalaman mo sa ibang reporters,” sabi ni Vina.

Samantala, labis-labis ang pasasalamat ni Vina sa lahat ng mga sumusuporta at naniniwala sa ipinaglalaban niya para sa anak at umaasa siyang magiging maayos ang takbo ng kinakaharap niyang kaso laban sa ama ni Ceana at sa tiyahin nito. (REGGEE BONOAN)