juancho-and-louise-4-copy

MAPAPANOOD ang pagwawakas ng Magkaibang Mundo ngayong hapon sa GMA-7.

Tampok sa Magkaibang Mundo ang kuwento ng pagkakaibigan ng tao at duwende na nauwi sa pag-iibigan. Bida sina Louise delos Reyes bilang Princess/Pepay at Juancho Trivino bilang si Elfino/Inoy.

Bilang independent woman, ibinahagi ni Louise na dahil sa mga tao sa likod ng show, nakita niya ang kahalagahan ng team work. Marami rin siyang memorable scenes sa serye pero ang pinakapaborito niya ang break-up scene niya sa karakter ni Dion Ignacio na si Jeffrey.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

“It was very dramatic and still full of love,” sabi ni Louise.

Marami ring natutuhan si Juancho sa programa.

“I have learned that the responsibility of an actor to carry a role isn’t a joke. You have to have that dedication, patience, and perseverance to do a certain scene — maliit man o malaki,” aniya.

Samantala, ngayong nahuli na si Noreen (Gina Alajar), may pagkakataon pa kaya si Princess na masabi kay Inoy na mahal niya ito lalo’t binabawi na ni Barang (Ana Capri) ang kanyang buhay?

Huwag palampasin ang finale episode ng Magkaibang Mundo ngayong hapon pagkatapos ng Eat Bulaga sa GMA Afternoon Prime.