nadine-copy

AYON kay Nadine Lustre, mas madaling magpakatotoo kaysa pakinggan ang anumang opinyon ng mga tao.

May mga panglalait kasing natanggap at kung anu-anong panghuhusga si Nadine hinggil sa mga larawan niyang nakabikini na may dalawang buwan nang kumakalat sa Internet.

May mga nagkokomento pang kunwari lang daw palang conservative si Nadine pero kayang-kaya namang magpakuha ng seksing larawan.

ALAMIN: Magkano ang mawawala kada araw sakaling matuloy ang ‘no remittance week?’

Katwiran ni Nadine, hindi naman niya masasabing konserbatibo siya pero mas hindi naman tama na basta na lang siya huhusgahan.

“Hindi po naman ako ‘yung sinasabi nilang santa-santita. Hindi rin naman ako santa. I don’t want people to think na I’m pakawala,” banggit ng dalaga.

Hindi rin daw siya ‘yung tipo na basta na lang madidiktahan ng sinuman kung ano ang dapat o hindi dapat niyang ipo-post sa kanyang Twitter account.

“I don’t need to remind people that I’m Nadine. When I’m not in character. I just turn into myself,” sey pa niya.

Lahad pa ng aktres, tanggap niya na bilang isang artista ay may mga positibo at negatibong komento tungkol sa kanya.

Pero mas importante na sa kung saan man ang kinalalagyan niya sa ngayon ay masayang-masaya siya at iyon daw ang dapat niyang ipagpasalamat. (JIMI ESCALA)