taylor-copy-copy

HINDI hahayaan ni Taylor Swift na ikabagsak ng kanyang buhay ang hiwalayan nila ni Tom Hiddleston.

“This wasn’t a dramatic break up,” sabi ng source sa People. “Taylor’s been very upbeat.” 

Isang araw lamang makaraang kumalat ang balita tungkol sa kanilang hiwalayan, lumabas ang Shake It Off singer kasama ang malapit na kaibigan na si Lily Aldridge para mag-dinner at panay rin ang ngiti sa Tommy Hilfiger collaboration show ng kanyang kaibigan na si Gigi Hadid kasama ang mutual friend nila na si Martha Hunt.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Naglalaan ngayon ang star ng quality time kasama ang mga kaibigan nitong babae at nagtutungo sa gym habang nagtatrabaho para sa kanyang bagong awitin. Noong Lunes ng gabi, sumama si Swift kay Hadid at boyfriend nito na si Zayn Malik para gumimik sa New York.

“I just think it’s important when you’re best friends to always be there for each other,” saad ni Aldridge sa People sa Bulgari event noong Lunes. “She’s always there for me.” 

Tinapos ni Swift, 26, at Hiddleston, 35, ang kanilang relasyon pagkaraan ng tatlong buwan. Naisapubliko ang kanilang relasyon simula nang kumalat sa Internet noong gitnang bahagi ng Hunyo ang larawan nilang dalawa na nagyayakapan at naghahalikan sa beach na malapit sa bahay ni Taylor sa Rhode Island. (People.com)