Nagpahayag ng paniniwala ang isang Mindanao Bishop na ang pagsusulong ng suspensyon sa ‘writ of habeas corpus’ sa Senado at pagpapatupad ng warrantless arrest, ay magbabalik sa Martial Law.

Kaugnay nito, pinaalalahanan ni Malaybalay Bishop Jose Cabantan ang sambayanang Pilipino na dapat nang matuto sa nangyaring Martial Law sa bansa noon, at hindi na dapat umiral pang muli sa bansa.

“We have to learn the lesson during Martial Law and we do not want to experience that horrible thing again,” pahayag ni Cabantan sa panayam ng church-run Radio Veritas.

Nilinaw ng Obispo na personal siyang tumututol sa suspensyon ng ‘writ of habeas corpus’ dahil ayaw niyang maulit pa ang mga paglabag sa karapatang pantao, at mga involuntary disappearance.

Tsika at Intriga

Julia Montes banas sa tinulungan noon, sinisiraan na siya ngayon

Ang ‘writ of habeas corpus’ ay kautusan na naglalayong dalhin sa korte ang sinumang preso. (Mary Ann Santiago)