jericho-copy-copy

HINDI inaasahan ni Jericho Rosales ang mga binitiwang papuri sa kanya ng business unit head ng ABS-CBN na si Direk Ruel Bayani sa grand presscon ng Magpahanggang Wakas, ang bagong seryeng pinagbibidahan nila ni Arci Muñoz na ipapalit sa Born For You na finale week na ngayon, kaugnay ng kanyang pagiging de-kalibreng aktor na kinikilala hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa Indonesia, Malaysia, Thailand, United States at hanggang Africa.    

Ayon kay Direk Ruel, sa entertainment world trade at sa hanay ng mga programang kinikilala sa Asya, tanging ang larawan daw ni Jericho ang nasa gitna dahil siya ang kilala bilang aktor ng Pilipinas. 

Aniya pa, nag-umpisang makilala si Echo sa Pangako Sa ‘Yo with Kristine Hermosa at sa Bridges of Love.

ALAMIN: Bakit ipinagdiriwang ang Imaculada Concepcion?

Kaya wala raw kaduda-dudang tawagin si Echo bilang Asian Drama King dahil sikat siya sa ating bansa at sa buong Asya.

“Noong una kong diniscuss sa kanya ’yung kanyang Asian Drama King na title, ayaw na ayaw niya ’yan,” sabi pa ni Direk Ruel. “Kilala n’yo naman na ayaw na ayaw ni Echo ng mga title, but you see, kailangan naming ipaalam sa inyo that there’s no other Kapamilya actor who has sold more a drama program all over the world than Jericho Rosales.”

With full of confidence pang sabi ni Direk Ruel, binuksan ni Jericho ang mga pintuan para makilala ang mga Pinoy teleserye sa labas ng ating bansa at maka-penetrate worldwide.

“He opened the doors for the Philippines via Pangako Sa ’Yo. It introduced the Philippines to the rest of the world.

So, pioneer siya from Pangako Sa ’Yo, ‘tapos tuluy-tuloy, laging inoorder ang mga shows niya. And last year, the best-selling soap of the Philippines was Bridges of Love again by Jericho Rosales, which is the first Filipino soap to air in Latin America.

“So, everytime may nagbubukas na door, gateway, Jericho Rosales is always front and center. Laging siya. So, sabi ko, bakit hindi p’wedeng i-claim ’yung Asian Drama King? Ayaw niya kasi ng title. But you see, kahit na walang title, with or without the title, hindi puwedeng i-refute ’yun, eh, -- the pedigree, the body of work,” pagmamalaki pa ni Direk Ruel kay Echo.

Patuloy ni Direk Ruel, sa tuwing may booth ng lahat ng shows ang Pilipinas sa iba’t ibang bansa, parating ang pangalan at larawan ni Echo ang nasa gitna.

“Like ang nasa gitna, Jericho of Magpahanggang Wakas, na ang international title ay Sand Castle, kasi, kaya siya nasa gitna, siya lang ang kilala ng foreign buyer sa mukha,” sabi pa ni Direk Ruel na pinalakpakan ng press people na nasa Dolphy Theater that time.

“Ibig sabihin, maraming success sa ABS-CBN, maraming success sa Pilipinas, ibigay lang natin ’yung honor kung kanino siya due and he has worked so hard for that recognition and for that success.

“So, para sa akin, ayaw man niya, tanggihan man niya, to me, kanyang-kanya ’yun,” sabi ni Direk Ruel.

Matipid ang mga salita ni Jericho nang hingan ng reaksiyon tungkol sa mga papuri ni Direk Ruel sa kanya.

“Marami akong dapat ipagpasalamat pero unahin ko na ’yung hiya dahil nahihiya ako kina Direk Erick (FM Reyes) and Direk Ruel for this love na ibinibigay nila sa akin. Appreciation, and hindi ko alam kung bakit, hindi ko alam kung pa’no. In my end, ginagawa ko lang ang trabaho ko and I need guidance. Lagi nilang ibinibigay sa akin and more than that,” pahayag ni Echo na muli nang sasabak sa madramang seryeng Magpahanggang Wakas simulan sa Lunes, September 19, sa Primetime Bida ng ABS-CBN. (ADOR SALUTA)