MUKHANG hindi nagustuhan ng girlfriend ni JC Santos, mas kilala ngayon bilang si Ali sa seryeng Till I Met You, na si Teetin Villanueva na kasama sa musical play na Ako Si Josephine ang sinulat naming ‘JC Tumalilis sa musical play ng girlfriend’.
Klaro naman ang pagkakasulat namin na pagkatapos makapanayam si JC ng TV reporters na press night sa PETA Theater noong Setyembre 6 ay hindi na namin siya nakita at pagkatapos ng palabas ay hinanap siya ni Teetin at tinawag pang, ‘si JC? JC, JC?’ at nu’ng hindi niya nakita ang boyfriend ay nalungkot siya.
Hindi na nga lang namin nasulat na inakbayan siya ng kaibigan niyang long hair dahil napansing nalungkot ang gumanap na Helena sa play.
At bago namin isinulat ang naturang item ay nagpadala kami ng private message sa Facebook account ni Teetin ng Miyerkules, Setyembre 7 ng, “Hi po, this is Reggee Bonoan; okay po bang mainterbyu kayo?”
Pero mukhang hindi nabasa ng dalaga ang mensahe namin kaya hindi namin nakuha ang panig niya sa sinulat namin na lumabas noong Setyembre 8.
Bandang 5:55 PM, Setyembre 8 ay nag-post si Teetin sa FB wall namin ng, “It’s you! You’re the one who wrote about JC leaving after Act 1! I wish you could’ve asked me personally before making assumptions kasi, I was right there. :)”
Sinagot namin ang post ni Teetin ng, “Please check your FB sent you a message.”
Hindi marahil na-check ng girlfriend ni JC kung anong araw at oras kami nagpadala ng private message kaya nag-post siya uli sa wall namin nito:
“Mukhang okay naman kayo at nakakasulat based on assumptions so baka di niyo na kailangan mang-interview :) thanks for watching our press preview! Have a nice day :)”
Nagulat kami dahil unang-una, wala naman kaming sinulat na Act 1 at sinabi pang ‘making assumptions’ daw ang pagkakasulat namin.
Gusto naming maniwalang hindi nabasa ng buo ni Teetin ang sinulat namin o baka may nagparating lang, dahil tulad nga ng pagkakasulat, walang, ‘Act 1.’
Do we need to say more? (REGGEE BONOAN)