NEW YORK (AP) — Hindi lamang world No.1 si Angelique Kerber. Isa na rin siyang two-time Grand Slam champion.

Angelique Kerber, of Germany, holds up the championship trophy after defeating Karolina Pliskova, of the Czech Republic, to win the women's singles final of the U.S. Open tennis tournament, Saturday, Sept. 10, 2016, in New York. (AP Photo/Julio Cortez)Tinuldukan ng 28-anyos German superstar ang matikas na kampanya sa US Open tennis championship sa makapigil-hiningang 6-3, 4-6, 6-4 panalo kontra Karolina Pliskova – tinaguriang ‘Williams-Killer’ – para makopo ang ikalawang career Grand Slam title nitong Sabado (Linggo sa Manila).

Nagbunyi ang dumagsang crowd sa state-of-the-art Arthur Ashe Stadium at ginantihan ito ni Kerber nang pagkaway at pagsenyas ng kanyang kanang hintuturo bilang paalala na siya na ang No.1 sa women’s tennis.

“It means a lot to me. When I was a kid, I was always dreaming to one day be the No. 1 player in the world, to win Grand Slams,” pahayag ni Kerber.

Wrestler-actor Dwayne Johnson, may pasabog sa fans; balik wrestling ring?

Pinalitan ni Kerber sa No.1 world ranking si Serena Williams matapos ang quarterfinals ng prestihiyosong torneo. Nasibak din si Williams ni Pliskova sa semifinals nitong Biyernes. Sa fourth round, pinataob din ng Czech star ang nakatatandang kapatis ni Williams na si Venus sa fourth round para tanghaling unang player na tumalo sa magkapatid sa isang major tournament.

“I mean, all the dreams came true this year, and I’m just trying to enjoy every moment on court and also off court,” sambit ni Kerber.

Nakopo ni Kerber ang unang major title nang pabagsakin si Williams sa Australian Open noong Enero, ngunit nabigo siya sa American star sa Wimbledon nitong Hulyo.

Tinanghal si Kerber na kauna-unahang German na nagwagi ng US Open at naging world No.1mula nang madomina ng kanyang coach at idol na si Steffi Graft ang mundo ng tennis.