AYAW nang patulan pa ni dating Manila Vice Mayor Isko Moreno ang intriga tungkol sa kanila ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada na inilaglag daw niya noong nakaraang eleksiyon.

Kaya nga raw nagalit nang husto si Mayor Erap sa kanya. Pero nananatiling kalmado si Isko at inaming iniiwasan niyang magkomento hinggil sa nasabing isyu.

“Wala naman akong dapat ipaliwanag. Maski ikaw alam mo kung ano ang totoo. Umpisa pa lang ‘kinakampanya ko nang husto si Erap, tumulong ako sa kanya lalung-lalo na sa distrito ko sa Tondo.

“Lahat ng mga kasamahan ko sa partido namin, eh, ibinoto siya. Alam nila ‘yan at higit sa lahat alam ng Itaas ‘yan,” paliwanag ni Isko.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

In fairness din naman, si Erap talaga ang ikinampanya sa lahat ng isinagawang rally ng Asenso Manilenyo, ang partidong pinamumunuan ni Isko.

“Kayong mga taga-Tondo kilala n’yo ako. Hangga’t maaari, eh, pinangangalagaan ko ‘yung pinag-uusapan. ‘Pag nasabi ko na, eh, tutuparin ko. Basta ako, honest tayo and modesty aside, ‘pag galing ka sa hirap importante sa ‘yo ang binitiwan mong salita,” seryoso pang lahad ni Isko.

Ipinaliwanag din ni Isko na simula nang pasukin niya ang showbiz ay nakaugalian na niyang dumating sa oras na naipangako niya at hindi niya naging ugali na sirain ang anumang binitiwan na niyang pangako. Aniya, ganito rin ang ginawa niya sa labing-walong taon niya sa pulitika.

Saksi kaming mga opisyales ng Parents Teachers Association sa Maynila dahil lahat naman ng ipinangako ni Isko sa mga eskuwelahan at pati na sa mga batang mag-aaral ay tinupad niya.

“Hindi naman siguro ako magtatagal sa pamahalaang lungsod ng Maynila kung hindi ko tinupad ang mga pangako ko sa mga tao,” banggit pa niya.

Iniiwasan din ni Isko na magkomento sa isang delikadong isyu na nag-uugnay sa pangalan niya sa isang malapit kay Mayor Erap.

Napansin din namin na kahit may nang-iintriga sa kanila ni Mayor Erap ay may mga dating tauhan si Isko na staff ngayon ng mayor’s office.

Sa katatapos namang turn-over ceremony ng pamumuno ng Mare Foundation kay Jackie Ejercito, may nagbulong sa amin na hindi naman daw kay Isko may tampo si Erap kundi sa isang taga-showbiz din na tumakbo at nanalong congressman ng Manila, huh!

Samantala, makatakdang magbalik-showbiz si Isko Moren o ngayong out muna siya sa pulitika. May mga offer daw sa kanya na lumabas sa teleserye. –Jimi Escala