dingdong-copyIPINAKILALA na kahapon sa presscon sa Le Reve Events Place ang cast ng controversial na Alyas Robin Hood.

Sina Jaclyn Jose, Cherie Gil, Megan Young, Andrea Torres, Sid Lucero, Anthony Falcon at Christopher de Leon ang makakasama ni Dingdong Dantes na umaming nalula sa laki ng cast at husay ng mga artistang katrabaho niya.

Bukas namin ilalabas ang pahayag nina Dingdong, Direk Dominic Zapata at ibang cast tungkol sa dalang kontrobersiya ng 15-second teaser na umabot pa sa American actor na si Stephen Amell, lead actor ng US series na Arrow na ayon sa bashers ay pinagkopyahan daw ng Alyas Robin Hood.

Iba na ang ipinalalabas na teaser, hindi na ‘yung pumapana si Dingdong at ipinakita na rin si Megan. Sa September 19, na ang pilot ng Alyas Robin Hood na ibang challenge na naman ang bigay kay Dingdong. Wala siyang double sa fight scenes niya rito at ‘yun ang isa sa tiyak na aabangan ng fans, bashers at haters.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Si Kristoffer Martin ang kumanta ng theme song ng Alyas Robin Hood, noong isang araw lang siya nag-recording, pero hindi binangit ang title. Wish ng fans niya, makasama rin sa cast ng action series si Kristoffer, kaya lang, may gagawin daw itong ibang teleserye. –Nitz Miralles