Ni NORA CALDERON

mark-copyLUMIPAT na ba sa GMA Network si Mark Neumann?  

Nag-post ang identified na TV5 star na si Mark sa kanyang Instagram account na panoorin sa afternoon drama na Karelasyon katambal si Kris Bernal (umere kahapon).

Marami ang nagtatanong kung nag-ober da bakod na raw ang half-German, half-Filipino actor na produkto ng isang talent artista search ng Kapatid Network. During his time naman sa TV5, binigyan siya ng malalaking stories sa WattPad at ang pinakamalaking project na ibinigay sa kanya ay ang Pinoy adaptation ng drama-comedy koreanovela na Baker King at naipakita naman ni Mark ang talent niya sa acting.  Sa ngayon, mukhang walang project na available para kay Mark ang TV5 kaya siguro pinayagan na siyang mag-guest sa GMA-7

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Pero may nagtatanong din kung hindi raw kaya pinag-audition si Mark as Matteo sa Pinoy adaptation ng koreanovela na gagawin ng GMA 7, ang My Love From The Stars na pagbibidahan ni Jennylyn Mercado. Sa ngayon kasi, wala pang nakukuha ang GMA-7 na makakatambal ni Jennylyn sa said Korean soap.

Kaya ang tanong, magiging Kapuso na ba si Mark Neumann?