Mga laro ngayon (Smart- Araneta Coliseum)

2 n.h. – FEU vs Adamson

4 n.h. -- Ateneo vs NU

Target ng Adamson, Ateneo at National University na masundan ang matikas na opening day win sa pagbabalik ng aksiyon ngayon sa UAAP Season 79 men’s basketball tournament sa Smart Araneta Coliseum.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Mauunang sasalang ang Falcons na susubukin ang tibay ng defending champion Far Eastern University Tamaraws ganap na 2:00 ng hapon bago ang pagtutuos ng Blue Eagles at Bulldogs sa tampok na laro sa ganap 4:00 ng hapon.

Bagama’t nawala ang kanilang mga starters, naniniwala si coach Franz Puamren na mabigat na kalaban ang Tamaraws.

“Our shooting is there, but we have to work more on our defense,” pahayag ni Pumaren. “We must also try to limit our turnovers.”

Sasandigan ni Pumaren maliban kay Ahanmisi ang kanyang mga beteranong sina Dawn Ochea, Pape Darr, JD Tungcab at ang mahusay nilang playmaker na si Rob Manalang.

Para sa Tamaraws, inaasahang mamumuno sa tangka nilang pagbawi sina team skipper Reymar Jose, ang nanggulat sa kanilang first game na si Ron Dennison,Prince Orizu, Axel Inigo at Richard Escoto.

Samantala , inaasahan namang magiging dikdikan ang salpukan ng Bulldogs at Blue Eagles. - Marivic Awitan