Inanunsyo ng Department of Education noong Huwebes, Abril 9, na sila ay magpapatupad ng “Work-from-Home” arrangement tuwing Biyernes para sa mga kawaning nakabase sa mga eskuwelahan.
Ayon sa memorandum na inisyu ng DepEd, mababasang magsisimula ang pagpapatupad nito ngayong Biyernes, Abril 10 hanggang sa darating na Hunyo 5, 2026.
Anila, ang layunin daw ng pagpapatupad ng inisyatibong ito ay tanda ng pakikiisa ng ahensya sa pagkonserba ng enerhiya sa gitna ng krisis.
“In line with the Department’s energy conservation efforts and consistent with DM 018, s. 2026 [Implementation of Energy Conservation Protocols and Flexible Work Arrangements (FWA) in the Department of Education Pursuant to Memorandum Circular No. 114], FWA adopting a four-day onsite work schedule (Monday-Thursday) and WFH on Fridays shall also apply to school-based nonteaching and related teaching personnel for the period from April 10, 2026 to June 5, 2026,” anang DepEd sa memorandum.
Nakasaad din sa dokumento na dapat daw ay siguruhin ng school heads na hindi maaantala ng WFH arrangement ang mga essential school operations.
Photo courtesy: DepEd Philippines/FB
Liban sa ahensya, nagkasa na rin ang ilang departamento at opisina ng gobyerno ng four-day workweek setup upang makatipid sa pagkonsumo ng enerhiya.