NUEVA VIZCAYA – May kabuuang 169 na opisyal ng gobyerno sa Region 2 ang sumuko sa pulisya, sa ilalim ng “Oplan Tokhang” laban sa droga.

Batay sa report ng Police Regional Office (PRO)-2 sa Camp Marcelo A. Adduru sa Tuguegarao City, sinabi ni Senior Supt. Liborio P. Carabbacan, Deputy Regional Director for Operations, na simula Hulyo 1, 2016 hanggang Setyembre 8, 2016 ay 169 opisyal sa rehiyon ang sumuko sa pulisya.

Ayon sa datos, kabilang sa mga sumuko ang tatlong miyembro ng Sangguniang Bayan, 46 na barangay chairman, 92 barangay kagawad, walong barangay tanod, at 20 iba pang kawani ng pamahalaan mula sa magkakaibang lalawigan sa Cagayan Valley.

Kinatok ng PRO-2 ang 183,269 na bahay, 19,343 ang sumuko na 17,504 sa mga ito ay adik habang 1,853 ang tulak.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Nasa 424 naman ang nadakip sa operasyon ng pulisya at siyam ang napatay. (Liezle Basa Iñigo)