steve-at-pia-copy

TULOY ang pagho-host ni Steve Harvey ng Miss Universe 2016 kahit may balitang ayaw ni Presidente Rody Duterte na siya ang mag-host. 

Ayaw daw ni Pres. Rody na maulit ang nangyari noong 2015 Miss Universe na nagkamali si Steve Harvey sa pag-a-announce ng real winner.

Marami ang nakabasa sa Twitter convo nina Steve Harvey at reigning Miss Universe Pia Wurtzbach. Unang nag-tweet si Pia ng “#TBT to the night that changed my life. @IAmSteveHarvey let’s do it again and change someone else’s life.”

Human-Interest

Paano nga ba mag-goodbye ang ilang Gen Zs bago mag-New year?

Sumagot si Steve Harvey ng “Can’t wait, let’s do it.”

Sa palitan ng tweet na ito nina Pia at Steve Harvey, may magagawa pa kaya si Pres. Rody kung ayaw niya? Abangan natin ang mga susunod na kabanata. (Nitz Miralles)