SANYA LOPEZ copy copy

NADAGDAGAN ang fans ni Sanya Lopez pagkatapos ng Tuesday episode ng Encantadia, nang mapanood siyang mahusay ang pag-arte at magaling sa fight scene bilang si Danaya.

Ito ‘yung eksenang hinatulan siya ni Reyna Amihan (Kylie Padilla) na nagkasala at ipadadala sa daigdig ng mga tao.

Mahusay si Sanya sa eksenang nagmakaawa siya kay Amihan na huwag siyang itapon sa daigdig ng mga mortal. Pinahanga rin ni Sanya ang viewers sa kanyang fight scene. Hindi man dapat, may mga nagsabing episode niya ang Tuesday episode ng fantaserye.

Silvanas, pasok sa ‘50 best cookies in the world’

Siguradong nakarating kay Sanya ang mga papuri sa kanya at tiyak na ikinatuwa niya ito dahil bago magsimula ang Encantadia, iniismol siya ng karamihan sa viewers. “Da Who” pa nga ang tawag sa kanya at may mga nagduda na mapapantayan niya ang acting ni Diana Zubiri, ang original na Danaya.

Pero pinatunayan ni Sanya na through hard work and dedication sa trabaho, kaya at bagay siyang maging si Danaya. Kaya lang, dahil sa ipinakitang galing sa fight scene, nagre-request ang Encantadiks ng more fight scenes for Danaya.

(Nitz Miralles)