Setyembre 8, 1888 nang ilunsad ang Peral Submarine na siyang binuo ng Spanish sailor engineer na si Isaac Peral para sa Spanish Navy. Ang bapor, na kayang tumakbo sa bilis na 5.6 kilometro kada oras, ay pinagagana ng baterya, isang torpedo tube at isang air regeneration mechanism. Dahil dito, ito ay ang unang electrically-generated submarine sa mundo.
Ito rin ang unang submarine na gumamit ng underwater navigation system, ngunit itinigil pa rin ng Spanish naval conservatives ang proyekto sa kabila ng tagumpay na nakamit nito, dahil na rin sa intriga at inggit.
Isinilang noong 1851, si Peral ay kabilang sa iba’t ibang military actions sa buong mundo, at nag-aral ng geography, mathematics, at physics para sa kanyang inquisitive at analytical na pag-iisip.
Taong 1885, pinamahalaan ni Peral ang Arsenal de la Carraca upang simulan ang konstruksiyon sa mga submarine engine sa darating na panahon, na may budget na 5,000 pesetas. Naglakbay siya sa iba’t ibang lugar para makabili ng torpedos, accumulators, at iba pang component.