JC copy

CURIOUS kami kung bakit biglang tumalilis si JC Santos alyas Ali sa Till I Met You sa press night ng Ako si Josephine musical play sa PETA noong Martes ng gabi.

Nalaman namin na ang isa pala sa mga gumaganap sa nasabing play ay girlfriend ni JC na hindi namin alam kung bakit itinatago pa niya sa media gayong single naman sila pareho.

“Eh, kasi bago pa lang si JC, so ayaw muna niyang ma-associate at saka baka makaapekto sa role niya sa Till I Met You,” sabi ng nagkuwento sa amin. “O baka bilin ng manager niya na huwag muna iharap ang girlfriend.”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Naalala tuloy namin ang kuwento ng kaibigan naming nakasama ni JC sa Hong Kong Disneyland na mahilig daw siya sa simpleng babae at ayaw ng maarte o sosyal sa paningin. Low maintenance, ‘ika nga.

Kasi ang girlfriend ni JC, nang mapagmasdan namin habang nanonood kami ng play, ay simpleng ganda lang pero maganda ang boses. E, ‘di ba, Bossing DMB, theater actor/singer din ang third wheel nina James Reid at Nadine Lustre sa TIMY?

Naobserbahan din namin na pagkatapos ng play ay panay ang linga ng girlfriend ni JC sa audience hanggang hallway, at kitang-kita namin na parang malungkot ang girl.

Oo nga naman, JC, bakit hindi mo pinanood ang girlfriend mo? Hindi ka ba proud sa kanya? Ang galing-galing kaya niya at second lead siya, huh! (REGGEE BONOAN)