Sinimulan na kahapon ng Manila City Government ang road clearing operations sa mga kalye patungo sa Port of Manila (POM) upang mabawasan ang tumitinding trapik at masolusyunan ang problema ng pagsisiksikan sa pantalan.

Pinangunahan ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada ang clearing operations sa 1.1-kilometrong Manila International Container Terminal (MICT) South Access Road sa Tondo, na barado ng napakaraming mga kuliglig, mga barung-barong, at kung anu-ano pang mga basura at ilegal na istruktura.

Kinumpiska ng mga awtoridad ang mga naabutang kuliglig at mga pedicab.

“Itong mga nakabalandra na ito ang dahilan ng matinding trapik papunta at palabas ng MICT, at nakakaapekto sa operasyon ng ating mga seaports, lalo na ‘tong container port,” wika ni Estrada. (Mary Ann Santiago)

National

Bilang ex-DepEd chief: VP Sara, masaya sa naitayong museo sa Camarines Norte