Mas pananabikan ng local golf enthusiast ang ICTSI Sherwood Ladies Classic sa kumpirmasyon na lalaro sina two-time LPGA Tour winner Jennifer Rosales at Cyna Rodriguez.

Nakatakda ang P750,000 tournament simula ngayon sa Sherwood Hills Golf Club sa Cavite.

Sa kabila ng malamyang kampanya nina Rosales at Rodriguez ngayong season, ang kanilang presensiya ay inaasahang magpapainit ng aksiyon sa 54-hole tournament na magsisilbing ikapitong leg ng pamosong Ladies Philippine Golf Tour.

Nakopo ni Rodriguez ang kampeonato sa unang dalawang leg ng torneo.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Kabilang din sa sasalang sina Thailand Ladies Amateur champion Pauline del Rosario, Sofia Chabon, Mika Fortuna at Kayla Nocum, gayundin si Hwang Min Jeong ng Korea, nagwagi laban sa grupo ng pros sa Mt. Malarayat sa nakalipas na taon.

Pangungunahan naman ni Amolkan Phalajivin, kampeon sa Splendido noong 2014, ang lineup ng Thailand na kinabibilangan din nina Chatprapa Siriprakob, Ajia Nualraksa, at Aunchisa Utama.

Target ni Sarah Ababa na makamit ang panalo sa Sherwood sa ikalawang sunod na taon kontra sa mga sumisikat na sina Jayvie Agojo, Cristina Corpus, Chihiro Ikeda, Lina de Guzman, Apple Fudolin, Lovelyn Guioguo, England’s Sarah Henderson, Korean Euna Koh, Lucy Landicho, Eva Minoza, Anya Tanpinco, Sylvia Torres at Sheryl Villasencio.