HINDI namin nakilala ang sikat na beauty queen na nagso-showbiz din habang naglalakad sa isang sosyal na mall kasama ang lalaking mukhang rakista dahil long hair at ang lakas ng dating. 

Anyway, napatingin kami sa beauty queen na sabi namin sa kasama namin ay ‘looks familiar’ at sabay sabing ‘ano ka ba, that’s _____ (name ng beauty queen), hindi mo nakilala? Wala kasing makeup.”

OMG Bossing DMB, hindi mo talaga makikilala kasi ang tanda ng mukha as in parang kulubot na nga. Pero maganda pa rin ang tindig niya at sexy maglakad, ‘yun lang, nanibago kami sa itsura kasi naman lukot ang fez. Hindi nga siya pinansin ng mga nakakasalubong kasi hindi mo talaga makikilala.

Totoo talaga ang sinasabi ng beauty experts na kapag nasa labas ka ng bahay mo (hindi sa bakuran), dapat nakaayos ka para hindi ka mapulaan o mapintasan, especially kung kilala kang personalidad.

Tsika at Intriga

Will Ashley, Mika Salamanca 'confirmed' na may relasyon?

Mukhang hindi pa naman retired sa kanyang showbiz career ang kilalang beauty queen dahil last year pa lang naman ang huling project niya.

Pagdating sa kanyang showbiz career ay okay naman umarte ang dating beauty queen na parating mayaman ang papel dahil parang hindi naman bagay din sa kanya ang papel na mahirap lalo’t inglesera.

Pero sa itsura niyang nakita namin sa mall kamakailan ay papasa na siya sa papel na mahirap dahil talagang hindi namin siya nakilala, mabuti na lang prim and proper pa rin siyang kumilos at heto pa, naka-cowboy boots siya that time, nagmotor kaya sila ng kasama niya? (Reggee Bonoan)