OAS, Albay – Isang dalawang taong na lalaki ang nasagip ng mga pulis makaraang i-hostage ng halos walong oras ng kapwa niya pasahero sa bus sa Oas, Albay, kahapon.

Ayon kay Chief Insp. Art Gomez, hepe ng Provincial Investigation and Detection Management Section (PIDMS) ng Albay Police Provincial Office (PPO), ang biktima ay taga-Balud, Masbate, habang ang suspek ay si Dakila Balanon, 48, ng Milagros, Masbate.

Sinabi ni Gomez na pinangunahan ni Police Regional Office (PRO)-5 Director Chief Supt. Melvin Ramon Buenafe ang pakikipagnegosasyon sa suspek katuwang si Albay PPO Director Senior Supt. Antonio Cirujales at Oas Police chief Senior Insp. Domingo Tapel, Jr., at mga lokal na opisyal ng Oas.

Dakong 1:20 ng umaga nagsimula ang hostage drama na matagumpay na nagtapos ng 8:25 ng umaga, ayon kay Gomez.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Ayon sa report, galing Metro Manila at biyaheng Masbate ang bus na may 48 pasahero nang biglang dakmain ng suspek ang bata na kalong ng ina nito na katabi niya. Iginigiit umano ng suspek sa driver na bumalik sila sa Maynila.

“May mga pulis na nakasibilyan na sumama dun (negosasyon) na makapasok sa bus, tapos nakipag-wrestle sila dun sa suspek para maagaw ‘yung kutsilyo. Safe na ‘yung bata, although may mga sugat sa mukha ‘yung biktima at dinala agad natin sa ospital. ‘Yung nag-save na pulis sa bata, may sugat din,” ani Gomez. (Niño N. Luces)