Sylvia copy

NAPAKASAYA ng ambience sa studio ng Tonight With Boy Abunda dahil sa fast talk with Sylvia Sanchez. Kasi naman walang itinago ang aktres tungkol sa pribadong buhay nila ng husband niyang si Art Atayde.

Nang tanungin kung ano ang pipiliin ni Ibyang, good conversation or good sex, “good sex” ang walang kagatul-gatol na sagot niya na ikinatawa ng lahat lalo na si Boy Abunda.

Off-camera, ipinaliwanag ng aktres sa amin kung bakit, “Eh, lagi naman kaming nag-uusap ng asawa ko, lagi naman kaming may good conversation kami, so sex na lang.”

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Sa kasunod na tanong kung sex or chocolate, “sex” ang muling hirit ni Ibyang kaya hiyawan na naman ang mga tao sa loob ng studio.

“Anytime naman puwede kang kumain ng chocolate. 

Saka masyadong matamis ‘yun,” esplika niya.

Sa tanong ulit ni Kuya Boy, ‘best time for sex’, “Anytime basta’t gusto.” ‘Does age matter? “No!” ‘Does size matter?’

“Of course!” humihiyaw na sagot ni Ibyang kaya tawanan na naman.

‘Lights on or lights off?’ 

“Lights off.”

Napatawa ng malakas si Ibyang sa bonus question na, ‘Sylvia Sanchez, re sexual position, what would you be?’ sabay bulong kay Kuya Boy na huwag na lang sagutin, “Oo, huwag mo ng sagutin, Ibyang,” say ng TWBA host.

Samantala, ang iba pang naging tanong sa fast talk, pinapili ang aktres kung sino sa tatlong hottest actor na sina Daniel Padilla, Enrique Gil, James Reid ang bet niya, “Lahat sila,” mabilis na sagot nito.

Beauty secret? 

“Pagmamahal sa asawa’t pamilya ko, pagmamahal ko sa asawa ko.”

Best actress of the Philippines:

“Maricel Soriano.”

Paboritong bahagi ng bahay, “Kama naming mag-asawa, kuwarto.”

Sino ang kontrabida sa kuwento ng buhay mo?

“Kontrabida ngayon, wala, ay si Arjo, ha-ha-ha. Joke lang, kasi pareho kaming ugali, nagka-clash kami,” tumatawang sabi ng aktres at sabay bawi,

“Pero mabait ang batang ‘yun.”

Kung hayop ka, ano ka?

“Aso, kasi ‘pag minahal kita, hanggang sa huling hininga mo, mamahalin kita.”

Oo naman, Bossing DMB at napatunuyan ito ni Ibyang dahil hanggang ngayon ay hindi niya pinababayaan ang manager niyang si Tita Cornelia Lee o Angge na comatose pa rin hanggang ngayon.

Sino ang gusto niyang maging girlfriend ni Arjo?

“Wala akong pipiliin, basta respetuhin lang ng girlfriend niya kaming pamilya at mamahalin kami. Kahit sino, mahirap, mayaman, artista o hindi.”

Na-witness namin na ilang beses nang may ipinakilalang girlfriend si Arjo sa magulang at mga kapatid niya na iniestima at pinakikibagayan nila at sa katunayan at itinuturing na miyembro ng pamilya.

Ano ang pinagdaanan ni Ibyang na ayaw niyang maranasan ng mga anak niya?

“Pagse-sexy ko.”

Ang pagiging sexy star ni Sylvia noong araw ang isa sa mga naging hamon niya sa buhay dahil lumuwas siya ng Maynila nang walang kakilala at napasok sa mundo na hindi niya ginusto.

Pero kalaunan, naisip niya na ito ang naging dahilan kaya mas lalo siyang tumatag at nagsikap hanggang sa marating niya ang kinalalagyan niya ngayon. Ni minsan ay hindi itinanggi ng aktres ang pagiging sexy star niya

At kung anong pagkain ang ihahain ni Ibyang kapag nakikain sa bahay nila si Presidente Rodrigo Roa Duterte.

“Dahil simple lang siyang tao, bibigyan ko siya ng daing, monggong ginataan, (adobong) pusit, ginamos at tustadong galungong,” sagot ng aktres.

Gaano na kayaman ang isang Sylvia Sanchez?

“Mayaman ako sobra sa pagmamahal ng asawa ko, ng mga anak ko, mother in law ko, father in law ko, ng nanay ko, ng buong pamilya ko at ng mga totoo kong kaibigan.”

How do you spoil yourself?

“Shopping!” naghuhumiyaw na sagot ng aktres.

The Greatest Love comes from... “God, my mom and asawa ko and pamilya ko.”

Ipinanalangin ba ni Ibyang na magkaroon siya ng The Greatest Love pagkalipas ng 27 years sa showbiz?

“Actually, Kuya Boy to be honest, hindi ko talaga expected ito. Kuntento na ako na kontrabida, nanay ng mga bida. Hanggang doon na ako, kasi sabi ko, mas maganda ‘yun, hindi ka pressured dahil nandiyan ka lang.

“Magdatingan man ang maraming artista, alam mo ‘yun, nandito lang ako kasi ito lang ‘yung gusto ko, gusto ko lang maging character actress, ‘yun lang ‘yun talaga.

“Never kong pinangarap na, ‘Lord gusto kong maging bida, kuntento na ako sa MMK na naging bida ako as nanay, doon lang. Sabi nga, Kuya Boy, ‘pag may plano ang Diyos, walang puwedeng makaharang, ito ‘yun, after 27 years, ibinigay niya sa akin at naka-smile ako at sinasabing, ‘salamat po, Panginoon.’”

Nabanggit din ni Kuya Boy na marami siyang naririnig tungkol kay Ibyang, na mabait siyang tao dahil mahal siya ng lahat ng katrabaho niya.

“Salamat, it’s happening to Sylvia,” ani Kuya Boy, “you’re really loved by people. Bilang isang manager, madalas naming sinasabi na, ‘talent is very important.’ Pero importante na marunong kang makisama sa industriyang ito, ‘di ba?

Kasi people talks, eh. Maliit tayong community, and they would always say nice things about you.”

Premiere telecast na ng The Greatest Love ngayong hapon at makakasama ni Sylvia sina Dimples Romana, Aaron Villaflor, Matt Evans, Joshua Garcia at Andi Eigenmann bilang mga anak at apo. Susuportahan sila nina Rommel Padilla, Nonie Buencamino, Boots Anson-Roa, Ynez Veneracion at Guji Lorenzana, with special participation of Tonton Gutierrez, Ellen Adarna, Ejay Falcon, Junjun Quintana, Anna Luna, Kamille Filoteo at Allan Paule mula sa direksiyon nina Mervyn Brondial at Jeffrey Jeturian handog ng GMO unit mula sa ABS-CBN. (REGGEE BONOAN)