Benjamin_Alves copy

HINDI pa man officially couple sina Benjamin Alves at Julie Anne San Jose dahil wala pa silang inaamin at nasa courting stage pa lang yata sila, marami na ang pabor sa kanilang magiging relasyon. 

Marami ang kinikilig sa dalawa lalo na ang followers nila sa social media na unang nakapansin sa pagpaparamdam ni Benjamin kay Julie Anne.

Naalala naming may pinagsabihan si Benjamin na basher ni Julie Anne ng “don’t insult my girl” nang tawaging malandi ang singer-actress dahil lang sinasagot ang tweets ni Benjamin.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Tinanong namin si Julie Anne sa presscon ng Sunday Pinasaya kung ano ang ibig sabihin ni Benjamin ng “my girl” pero natawa lang ang dalaga. 

Ang sagot niya nang tanungin kung ‘sila na ba’ ay, “what you see is what you get.”

Nabanggit din niya na kung magkaka-boyfriend siya, hindi na tututol ang parents niya, lalo na ang kanyang ama dahil tinupad niya ang pangako rito na magtatapos siya ng college.

Wala rin silang magiging problema sa parents ni Benjamin sakaling magkaroon na sila ng relasyon dahil sabi ng actor, excited na ang parents niya to meet Julie Anne. Right timing din daw ang pagdating ng dalaga sa buhay niya.

“Everything happens on the right time. My family is not here but they are very excited to see her. I share pictures with them a lot, so alam naman nila ‘yung nangyayari with me and Julie. They get to communicate na naman kay Mommy, so were good,” pahayag ni Benjamin.

Magtatambal sina Benjamin at Julie Anne sa Afternoon Prime ng GMA-7 na Pinulot Ka Lang Sa Lupa, sa direksyon ni Gina Alajar, at kabilang sa cast sina LJ Reyes, Victor Neri, Martin del Rosario, Lharby Policarpio at Jean Garcia.

(Nitz Miralles)