Adam at Behati copy copy

INAABANGAN na ang pagsilang ng baby nina Adam Levine at Behati Prinsloo.

Ginamit ng frontman ng Maroon 5 ang Instagram noong Biyernes para ipahayag na ire-reschedule ang pitong concert date ng banda dahil sa nalalapit na panganganak ng kanyang asawa.  

“Sadly, it’s par for the course with having a baby soon,” pahayag niya sa Instagram. “It’s life, and it’s beautiful, but it can be complicated, and I apologize for any convenience.”

Human-Interest

Netizen, ayaw na magbigay ng regalo sa pamilya niyang hindi marunong mag-appreciate

Kinumpirma ng official website ng banda na mare-reschedule ang nalalapit na concert nila sa Albany, Montreal, Quebec, Buffalo, Cleveland, Cincinatti, at Milwaukee sa Pebrero at Marso sa susunod na taon.

“Even when you think you’ve planned everything perfectly, sometimes life just kinda happens,” sabi ng 37-year-old singer sa isang pahayag. “Soon Behati and I will be celebrating the birth of our first child and, as I’m sure you all understand, I need to be there. I’m really looking forward to seeing everyone in the spring.”

Tuloy naman ang U.S tour ng banda bukas na gaganapin sa San Antonio, Texas, pero hindi pa tiyak ang susunod na dalawang linggong kasunod ng nakatakdang panganganak ni Prinsloo sa Setyembre 20. 

Naging busy ang excited na mag-asawa sa pagdo-document ng pagbubuntis ni Prinsloo nang ihayag ito noong nakaraang Marso, at nagbabahagi rin ng sweet baby bump na larawan ang 27-year-old supermodel ng Victoria Secret sa social media. (ET Online)