Judy Ann at Ryan copy

BAHAY sa Las Vegas ang bagong regalo ni Ryan Agoncillo sa asawang si Judy Ann Santos at marami ang kinilig nang buhatin ni Ryan ang asawa pagpasok nila sa kanilang new property sa U.S. na parang bagong kasal sila.

Ipinost ni Ryan sa Instagram nang buhatin niya si Judy Ann at noong nasa loob na, nag-lips to lips silang mag-asawa.

Kaya kilig na kilig ang kanilang fans. 

Silvanas, pasok sa ‘50 best cookies in the world’

Lalo pang kinilig ang mga nagmamahal sa dalawa sa caption ni Ryan na, “I love you Judy Ann” kaya relationship goals sila ng maraming couple.

Wala pang maraming gamit ang bahay, pero sa latest picture na ipinost ni Ryan, nagluluto si Judy Ann, parang inuna nilang punuin ng gamit ang kanilang kitchen.

Tuwang-tuwa ang supporters nila na pinatutunayan ni Ryan kung gaano siya karesponsableng asawa at ama at kung gaano niya kamahal si Judy Ann at ang kanilang mga anak na sina Yohan, Lucho at baby Luna. (Nitz Miralles)