HIHINTAYIN na lang namin kung kailan aamin ang nasulat namin kamakailan tungkol sa kilalang personalidad na nagbabalak manligaw sa isang aktres.

Mariin kasing itinanggi ng kilalang personalidad ang nasabing plano, kung baga sa ‘giyera’ nabuking ng intel ang plano niya, kaya biglang nabantilawan, at kaagad nang itinanggi. O baka naman napakiramdaman na niyang hindi siya papasa sa aktres?

Anyway, ilang sources na namin ang nagkukuwento na muli nilang nakitang dumalaw ang kilalang personalidad sa aktres dalawang linggo na ang nakararaan at maayos daw na nagkausap ang dalawa.

Hindi man daw nakitaan ng sweetness ang kilalang personalidad at ang aktres, pero pareho namang masaya.

Tsika at Intriga

'Easy target si Bong Revilla kasi walang posisyon ngayon!'—Suzette Doctolero

Matatandaang ilang beses na ring sinasabi ng aktres na single siya kaya nangangahulugan na hindi sila item ng actor na itinutukso sa kanya.

Kinumpirma rin ng kaanak ng aktres na single talaga ngayon ang dalaga.

May tanong lang ang kaanak ng aktres na hindi namin nasagot dahil hindi naman kami malapit sa kanya.

“True bang hindi okay sina _____ (aktres) at _____ (aktor)? May isyu ba sila kasi napapansin namin during off-cam.”

Ipinagtanong namin ito sa mga taong malapit sa aktres at sa aktor pero isang napakagandang smile lang ang isinagot sa amin.

Ano ‘yun?

Going back sa kilalang personalidad, wait na lang namin talaga kung kailan siya aamin. (Reggee Bonoan)