Arron Dimples Joshua Sylvia Andi at Mat copy

MAPAPANOOD na sa wakas ang inaabangang pinakabagong family drama na The Greatest Love bukas (Lunes, Setyembre 5) sa Kapamilya Gold.

Sa edad na 59, ang pangarap lamang ni Gloria (Sylvia Sanchez) ay magkaroon ng masayang pamilya at maayos na buhay para sa lahat ng kanyang mga anak na sina Amanda (Dimples Romana), Andrei (Matt Evans), Paeng (Arron Villaflor), Lizelle (Andi Eigenmann), at apo na si Z (Joshua Garcia).

Bilang ulirang ina, handa siyang ibigay ang lahat para maprotektahan ang mga anak at apo sa mga pagsubok at sakit na dati niyang dinanas.

Human-Interest

Search engine 'Ecosia,' ibinida resulta ng tree planting project sa loob ng 8 taon

Ngunit ang dating masayang pamilya ni Gloria ay unti-unting masisira dahil sa pagkakabubunyag ng isang malaking sikretong ipinagkatagu-tago niya sa mahabang panahon.

“Istorya ito ng ina na nagsakripisyo, kinalimutan at binalewala ang sarili niya at ‘binigay ang lahat niya para sa mga anak niya. Ito ay kakaiba sa mga karakter na ginampanan ko. Bago pa man sabihin na ‘take,’ umiiyak na ako, kasi ang bigat,” kuwento ni Sylvia.

Dahil dito ay mapapalayo kay Gloria ang mga anak at ang matitira na lamang sa kanya ay ang magagandang alaala na kasama sila.

Paano kung ang maging ang mga alaalang ito ay unti-unti na ring mawala sa kanya sanhi ng Alzheimer’s disease?

Sa dahan-dahang pagkawala ng alaala ni Gloria, kasabay din kaya ito ng paglimot sa kanya ng mga anak niya? Paano haharapin ng kanyang pamilya ang sakit na dulot ng isang sikretong susubok sa kanilang dating matibay na samahan?

Mapagbuklod pa kayang muli ni Gloria ang kanyang pamilya bago sila tuluyang mabura sa kanyang isipan?

“This is a story about second chances. Gustong sabihin ng show na lahat tayo binibigyan ng second chances ng buhay.

Journey ito ng isang babae ng second chance niya sa pagiging isang nanay, at second chance din niya sa kanyang great love, even at her age,” sambit ng creative manager ng serye at legendary writer na si Ricky Lee.

Kasama rin sa powerhouse cast ng The Greatest Love sina Nonie Buencamino, Rommel Padilla, Tonton Gutierrez, Ejay Falcon, Ellen Adarna, Junjun Quintana, Aleck Bovick, Luis Alandy, Bobby Andrews, Alex Medina, Mercedes Cabral, at Guji Lorenzana.

Ang The Greatest Love ay mula sa direksiyon nina Jeffrey Jeturian, Mervyn Brondial, at Dado Lomibao, at kinunan sa probinsya ng Quirino.