Hinimok ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Region 3 ang mga residente ng Central Luzon na Overseas Filipino workers (OFWs) o ang mga nagnanais magtrabaho sa ibang bansa na pakinabangan ang overseas employment services sa dalawang malls sa San Fernando, Pampanga.
“We want to inform our OFWs and those who wish to work abroad that various overseas-related services of the Philippine Overseas Employment Administration (POEA), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), and Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), can be availed conveniently at two malls in Pampanga,” pahayag ni Labor Region 3 Director Anna Dione.
Sa ngayon, ang POEA at mga satellite office ng OWWA ay matatagpuan sa ikatlong palapag ng SM City Pampanga’s Government Service Express, kasunod sa business center ng mall.
Kabilang sa mga serbisyo ng POEA na maaring mapakinabangan ay ang dokumentasyon ng mangggawa (land-based and sea-based), dokumentasypn ng workers-on-leave/Balik Manggagawa, registration ng land-based na mga aplikanteng manggagawa, verification/certification sa mga rekord ng OFW, probisyon ng tulong legal at pagtugon sa mga katanungan. (Mina Navarro)