JC SANTOS1 copy copy

ANG tunay na lalaki hindi takot gumanap na bading sa isang teleserye o pelikula dahil secured sila sa kanilang pagkatao.

Yes, Bossing DMB dahil habang ginaganap ang presscon ng Till I Met You ay nagtatanungan ang mga katoto kung paminta (pa-mhin) ba si JC Santos. Pinagdudahan agad ang gender niya. Na-curious tuloy kami, kaya inobserbahan namin ang kilos at galaw ng ka-love triangle nina James Reid at Nadine Lustre sa serye.

Napansin namin na masyadong malinis si JC at nalaman na talagang gustong mag-showbiz bagamat galing siya ng teatro (sa UP) at nag-aral pa sa New York ng voice. E, di ba halos lahat ng artistang ganito ang background ay iisa ang sinasabi ng lahat, ‘gaysha.’

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Timing naman na may kaibigan kaming naka-chat na nakasabayan ni JC sa UP at sa Hong Kong Disneyland dahil nagtrabaho pala roon bilang singer/actor ang una. From Hongkong Disneyland, heto ang takbo ng aming usapan via private message sa TB:

Hi, kilala mo si JC Santos? Nag-work daw diyan sa Disney? Gay ba siya?

“Hindi, chick boy nga, eh. I know him since UP days pa. One year ahead ako.”

Ah, talaga? Kasi ‘yun ang na-observe ng mga kasama ko, parang gay. May girlfriend ba siya ngayon?

“Hindi ko alam kung may GF siya. Pero nu’ng nandito siya sa HK meron siya girlfriend na Chinese pero naghiwalay na before siya bumalik ng ‘Pinas. Anong tsika sa kanya sa #TIMY? Si Sir Andoy Ranay ba ang manager niya? From UP din kasi si Sir Andoy, Dulaang UP.”

Itinanong namin kung bakit umalis si JC sa Disney.

“Umalis siya kasi nga daw mag-aaral siya. Nag-ipon siya sa Disney to study. Ang alam ko, saglit nga lang siya, two contracts.”

Close ba kayo ni JC?

“Not that close. Kachikahan lang, ganu’n. I remember huling kita namin sa PETA. Close naman lahat sa Dulaang UP.”

Kuwento pa naming, mukhang mabait si JC at walang ere.

“Nice guy as always naman. May sincerity pero makulit in person. Cool lang siya pero hindi mayabang.”

Hayan, sa mga curious kay JC Santos alyas Baste sa Till I Met You, what you see is what you get maliban sa papel niyang paminta at third wheel nina Alejandro at Iris.

Actually, Bossing DMB, ang dami naming natatanggap na messages na gustong makilala nang personal at magpa-picture kay JC. Hmmm, uso pa ba ang fans day? Bibigyan kaya ng ganitong okasyon ang aktor ng manager niyang si Direk Andoy Ranay?

(REGGEE BONOAN)